Pages

Saturday, April 6, 2013

GalaGala din pag may time :)

Ramdam na ramdam ko na ang init ng panahon sa mga nakalipas na araw, well hindi naman nakakapagtaka dahil Marso na, "First of Summer" sabi nga ng bandang UrbandDub. Sa ganitong mga panahon malamang ang mga tuwang tuwa dito ay ang mga estudyante, aba bakit hindi eto na ang senyales ng pagtatapos na madugong 10-buwan na pag-aaral at panahon para makapag pahinga, makaparlaro, mag Twitter ng magdamag, or tapusin ang Season 1, 2, 3 ng Walking Dead at siempre ang isa sa da best na gawin - Mag swimming, Sa pool man o beach. 

Pagpasok palang ng bagong taon inumpisahan ko ng mag research kung anung magandang place na punthan para sa summer sa budget na 1000 PHP below. Sa dami ng aking nakita meron kumuha ng aking aking atensyon -Ang Burot Beach sa Calatagan, Batangas. Nagkaroon ako ng interes sa Burot dahil sa pagkakatulad ng environment sa Anawangin Cove sa Zambales pati narin  sa nakakatuwang panagalan nito. 

Matapos ang ilang linggong plano, napagdesisyunan na ng buong grupo sa Burot tumungo,Nung una nag-aalangan pa kami sa Burot. Hindi ko sila masisi dahil wala pang nakaka alam ng lugar at medyo malayo. Ngunit matapos ang mahabang debate, Burot Beach ang aming napili. Kagagaling lang din namin kasi sa isang private pool sa Montalban, Rizal dalawang buwan na ang nakakalipas so kung Laguna ang aming destinasyon, parang walang pinagbago. Nakakaumay na sa Pool magbabad.


Papuntang Burot 

Sabado ng madaling araw ng sinimulan namin ang aming ekspedisyon. Kaba at pagkasabik ang aking nararamdaman ng mga panahong iyon. Kaba - dahil wala akong ideya sa lugar at baka hindi magustuhan ng grupo ang madatnan namin doon, ako pa naman ang promotor ng lahat ng ito, at Sabik - dahil siguradong kakaibang karanasan na naman ang naghihintay at sigurado may new profile picture nanaman ako sa facebook ko.


Mayroon akong 2 alam na paraan upang mapuntahan ang Burot. 


1. Commute gamit ang sariling sasakyan


Di ko alam kung panu bumiyahe doon gamit ang sariling sasakyan, pero ayon sa pagkakaalam ko eto ang paraan:
-Bagtasin ang SLEX, tapos gumawa ng paraan para mapuntahan ang Tagaytay at bagtasin mula doon ang daan pa Nasugbu. 
-Mula Nasugbu, lumiko papuntang Lian, Balayan at Balatagan.
-Dere deretso lang hanggang marating ang Calatagan Municipal Hall. Mula sa Hall, Diretso lang hanggang makita ung Welcome Arc, tapos ung unang liko pakaliwa dun dumaan hanggang makita ang Calatagan Market.
-Mula sa Market Diretso lng ulit, hanggang makita ang isang malaking gate na bantay ng SM security guards,at mula doon humingi ng permiso para makapasok sa Burot Beach.


Payong Kaibigan, kung hindi sigurado sa pagpunta, Ugaliin ang magtanong. Wag mahiya ok? Mababait naman ang mga kababayan natin eh.

2. Commute gamit ang mga pampublikong sasakyan.

  1. Bus - Sa Likod ng Mcdonalds at Sogo Hotel malapit sa MRT Taft Station makikita ang BSC Bus Liners. Ang Bus ay may biyahe patungong Batangas-Manila, Manila-Batangas. Ang unang biyahe ay 4am. Ang Pamasahe ay 190PHP. 
  2. Vans - Sa likod ng Kabayan Hotel malapit sa MRT Taft Satation, mayroon mga Vans na bumibiyahe papuntang Manila-Calatagan. Tumatanggap na sila nga pasahero ng 3am. Medyo mas mura ang pamasahe dahil  kumpara sa Bus, itoy 180PHP lamang. 
    Kulitan sa loob ng Van papuntang Calatgan
    pampatangal bagot -" Mani"
    Pagsakay sa Bus or Van, sabihin lang sa driver o konduktor ng sasakyan ay ibaba kayo sa Calatagan Market. Mga 3 hanggang 4 na oras ang biyahe. Mula sa Calatagan Market, may mga tricycle doon na maghahatid  sa inyo diretso na sa Burot Beach. Ang pamasahe ay 120-150PHP sa isang tricycle. Mas ok kung atleast 4 na katao kayong pupunta sa Burot para di gaanong malaki ang gastos. Aabutin ng 20-30 minutos ang biyahe. 
Mas pinili ng grupo namin na bumiyahe sa Van. Iwas hussle sa pila, mas comportable at siyempre mas mabilis, wala kasing stop-over, retso-retso ika nga ng kaibigan ko 

Calatagan Market


Pagbaba na pagbaba  namin sa Van, natanaw na agad namin ang Calatagan Market. Mula dito bumili na kame ng mga pagkain, inumin at ilang bagay na kakailanganin namin. Ayun kase sa aming napagtanungan kaibigan, mas makakatipid kame kung sa palengke mamimili.

Matapos ang aming pamamalengke, agad na kaming umarkila ng Tricycle upang maihatid na kami sa aming pakay -Ang Burot Beach.
                                                                                       Calatgan Market


Si Aling Nena na nagbenta samen ng isda't hipon.


Ang aming sinakyan tricycle

Burot Beach

Narating namin ang Burot makalipas ang 20 minutong biyahe. Mataas na ang sikat ng araw at kitang kita na namin and maputlang buhangin at ang kutitap ng dagat. Sinalubong kami ng sikyo na nagbabantay sa lugar. Ako'y nagbayad nadin sa kanya para sa overnight stay. Ang galing mag sale talk kaya napabayad ako, siguro dating salesman ang guwardiya. 130php ang singil kada tao. Binayaran nadin namin ang lamesa na nagkakahalaga na 200php, na may napakalaking papel na gagampanan saming pananatili doon. 

Sinumalan narin ng aking mga kasamahan na asembolin ang tent na gagamitin namin sa pagtulog. Payong kaibigan, kung bibisitahin ang lugar siguraduhing my dala-dala kayong pagkain at inumin dahil mahihirapan kayong maghanap noon pag nasa Burot na kayo. Magdala nadin ng Tent o Banig para may magamit kayo kung magpaphinga na, dahil walang hotel o kubo man lang na pwedeng tuluyan.





                                                                                                      Burot Beach






















Set up ng Tent







Ang Aming Base Camp


Trip
Isa sa hinahanap ko pag pumpunta sa isang lugar ay ang "Trip" o ung mga pwedeng pagka abalahan. Ayaw ko naman na magswimming lang o tumunganga sa isang tabi para isipin ang break up ni James Yap at Kris Aquino. 
Sa Aming pananatili sa Burot, Ibat- ibang bagay ang amig nagawa hindi lang magbabad sa karagatan. Nakapag basketball, nag mini hiking, pumunta sa gitna ng dagat at siyempre uminom! Napagluto din kami ng maraming putahe sa tulong ng aming Chef na si DJ at salamat sa mga gamit na pinahiram ni Mang Bruno na matipuno padin sa edad na 62. Super Lolo nga kung tawagin.
Isa pa sa mga trip na ginawa namin ay kumain o pumudtrip, walang humpay na kainan, daig pa ang kumain sa Mang Inasal.
Ang aming tagapagluto :)


Basketball under the sun
Ang Tindahan


Kain!


May mga ilang bagay pa kaming nakaligtaan buti nalang may to the rescue. May tindahan sa Burot Beach! hahaha! Inasahan na namin ang mataas na presyo ng ilang paninda dahil nag iisa lang talaga silang nagbebenta doon as in! Pero masasabe ko naman fair enough lang ung presyo, kumbaga presyong kaibigan padin.


Langoy
Hindi na namin ininda ang init ng araw ng mga panahong iyon, ako't kasama ng buong barkada nagbabad na kami sa dagat para kahit papano mapreskohan. Masasabe kong maganda ang tubig sa Burot pero may mga bagay lang akong hindi nagustuhan tulad ng mga "Sea grass"  nakapalibot sa bandang harap ng dagat(kung papagitna naman kau wala na) at mga ngakalat na "sea urchin" na maka ilang ulit kaming natusok, bumingo na nga kame kung tutuusin. hehehe! 
Isa pa sa mga cool sa dagat na yun eh Super duper low tide! Mga 50 feet na ata or lagpas pa ung layo namin mula sa seashore pero ung tubig hanggang bewang padin namin!  May mga starfish din na nagkalat pero hindi naman delikado. Nagpunta pa kami sa isang mala gubat na parte ng Burot, matatanaw din mula doon ang ilang nakakabighaning rock formation.
Matapos ang ilang oras na pagababad at paglangoy ala Michael Phelps, Napag desisyunan namin na kami'y nagpahinga muna para kumain at siyempre tumoma! Ang sasarap ng mga hinain na pagkain ng aming mga magagaling na tagapagluto, may mga gulay, mga inihaw na may kombong masasarap na sawsawan at ilang lutong bahay na panalo!. nabusog ako ng sobra lumaki na naman ang tiyan ko hahah! Matapos kumain nagsimula na din kaming tumagay. Minsan naiisip ko kung bakit pa need nito eh papahirapan lang naman kame pagkatapos, hangover! Natauhan lang ako ng sinagot ng kaibigan ko ang tanong ko at sabe niya "Hindi naman kasi alak ung center of attraction sa inuman, kung di ung kwentuhan, tawanan, aminan, at siyempre ung samahan" baduy pero totoo.  Habang tumotoma, naglaro din kami ng UNO card pampalibang.

    #dalampasigan









                                                                                                                         






#Magbabadsatubig








#Kainan at Toma ^_^






Afternoon and Evening Delight.

Muli kaming bumalik sa dagat matapos ang inuman, gawain narin ito ng nakakarame satin dahil pinaniniwalaang pampantangal amats nga(tested naman na totoo!) Mayroon bangkero na nag alok samin ng island hopping sa halagang 40 pesos isa. Di namin ito agad pinatulan, tumawad muna kami, at matapos ang mahabang deskusiunan kay Kuya Nilo, pumayag siya sa 30 pesos isa. Siyempre tawad tawad din pag may time hehe! 
Nagikot kame sa buong isla pero ang pinaka highlight ay ang pagpunta sa "palitaw" eto ung lulubog , lilitaw na isla. Lubog sa high tide, litaw sa low tide. Iniwan kami dun ni Kuya Nilo para gawin lahat ng gusto namin gawin at babalik nalang daw siya matapos ang 30 minutos. Nakakamangha ang mga nakita naman doon, ang sarap sa mata grabe. Stunned kami talaga.Katulad ng napagkasunduan, matapos ang 30 minutos, binalikan kame ni Kuya Nilo para ihatid saming Base Camp. 
Pagdating sa Base Camp, ang iba samen ay nagbanlaw na ang iba naman ay naghanda na ng aming makakain at matutulugan. May mga public wash room doon na pwedeng liguan. Hindi man ganung kaganda, masasabe kong ayus narin kaysa wala. Madilim na sa lugar alas-7 palang ng gabi, buti nalang ay mga flashlight kaming dala na nagsilbing ilaw namin. Gumawa din kami ng maliit na Bonfire  para mas maliwanag ang gabi. 
Nung matapos na lahat magbanlaw, kumain na kami ng aming gabihan, isang mainit na corn soup, malasang adobo ang naglaman sa aming kumakalam na sikmura. Matapos nito, same activity like kaninang tanghali, toma na naman. Tawanan na walang humpay, inuman na walang saysay pero talagang ang saya kapag kasama ang barkada at ang pag-ibig >3 kilig much talaga parang, ala PBB. Pagdating ng hating gabi ng alas-12, nagsimula na kaming antukin, kaya pinatay na ang mga bukas na ilaw at pumasok na sa tent  at matulog.























#Dark Night











Unang Bukang Liwayway

Sa unang gabi namin sa Burot, naging komportable naman ang aming pagtulog, Hindi mainit, hindi malamig, sapat lang. Nasaksihan din namin ang Bukang Liwayway sa Burot sa unang pagkakataon. Napaganda, akala mo ay isang larawan na sa internet mo lang makikita. Naitanong ko tuloy sa sarili ko kung nanaginip pa ko, pero ng ako'y kinurot ng aking mahal, naisip kong gising na pala ako, sadyang ako'y natulala lang sa tindi ng paligid na aking nakita. Nung umaga din iyon ay nagkaroon kami ng pagkakataon maglakad lakad sa dalampisgan. Ayun ang tamang tiyempo dahil hindi mainit dahil kung sa tanghali namin ginawa un, baka pag uwe hindi na kami makilala sigurado, nognog ang abot namin nito ala LeBron.


Ang Kalmadong umaga sa Burot Beach





Up, up and away!


Going Home
Matapos ang umgahan, agad kaming naligo at wala ng sinayang na oras dahil natakda kaming umuwe ng alas 12. Nakakatakot isipin na matapos naming mamuhay na isang Hari't Prinsesa ay babalik nanaman kami sa reyalidad at magiging normal na nanaman ang buhay. Bugtong hininga nalang at kamot sa batok ang nagawa ko habang naiisip ko to. 
Dumating na nga ang alas-12 ng tanghali ibig sabihin kami ay uuwe na. Parehas lang naman ang amimg  ruta pauwe,  mula sa Burot, tricycle papunta ng Calatagan market, mula doon sakay ng Van pa maynila.
Inabot ng 5 oras ang aming paguwe, ayus naman dahil kami ay nakauwe ng ligtas.

Breakdown ng Gastos

Transpo:Van to Manila-Calatagan and Vice Versa                                360php
Transpo:Tricycle to Calatagan Market to Burot and Vice Versa           100php
Beach Entrance Fee                                                                             130php
Food and Beverage                                                                              150php
Table                                                                                                  100php
Pocket Money                                                                                     100php
                                                             Total Expenses                      940php                         

We Survived Burot.

:)

Final Words
Ang Lupet ng Burot. Yun na yon!  :)

1 comment:

  1. nice blog. talagang laking help at its unique kase parang eto lang ang nagiisang tagalog na blog bout burot! :)

    ReplyDelete